Saturday, August 21, 2010

Record Breaking @ Island Cove

last month ay nakita ko na sa binakayan-bacoor road ang mga posters about sa concert ni Sarah G. sa Island Cove, namove pa nga ang date nito, pero hindi ko alam ang pangyayari. pero actually napaka mura lamang ng ticket, dahil Php 1.5k lamang ay nasa VIP kana, at hindi tulad sa ibang concert that costs 3-6-8-10k, diba ang mahal, at take note si Sarah G. ito at star studded concert w/ XLR8, Charlie Green, Christian Bautista, Robi Domingo, Thou Reyes (ayon sa poster), at tons of sponsors, dahil ba naman sa dami ng ineendorse ni Sarah Geronimo. kaya naman pinilit kong mag-ipon ng 1.5k, pero kasamaang palad ay hindi ako nakapag-ipon, pero pumayag nanaman si mami na manunuod kami...




tickets namin ni mami

buti nalang niremind sakin ni memei (SKF President namin) na kailangan ko daw magpareserve ng tickets, at sakto muntik na kaming mawalan ng tickets for VIP, buti nalang mabilis kilos ko, at night before the concert pinick-up ko yung ticket sa front desk ng hotel ng island cove...

august 20, 2010 --- 8pm

dumating kami ni mami sa concert park before 8pm, medyo maulan kaya naman lahat ng tao eh nakapayong, pero at the entrance they gave a way free selecta fortified milk w/ matching fan, pero i think yung fan useless during the event, kasi ang kailangan ay payong... pero nung magsisimula na ang concert na 1 hour delay eh tumila nanaman ang ulan....


Sarah Geronimo on her first act

umpisa palang, napaka-galing na talga ng IDOL ko, ang ganda kasi ng vocal range niya at napaka versatile performer, at she can handle the heart of the audience, btw ang hirap ng ginawa niya dahil sumasayaw siya w/ G-Force then kumakanta pa siya... at sunod sunod nadin dumating ang jam packed performance by the guests...


XLR8

XLR8 did their Song and Dance performance ala K-Pop or Super Juniors wanna be... sila ay ang new male group na binuo ng VIVA, at dahil sa K-Pop sensation...


Charlie Green reached the audience

this Britain Got Talent contestant, is also a new member of VIVA records company, at kahit pilipit pa ang kanyang dila sa pananangalog eh, eh pinilit padin siyang kumanta ng mga Filipino songs, and also he sang his 1st single: Pers Lab, and also an old american/english song...

and then after ng performance niya ay lumabas uli si Sarah G. para pasalamatan ang mga sponsors niya atska sunod sunod ng lumabas sina Robi Domingo to represent MYX, and did a dance number, and also sang impromptu HARANA... pero tuloy tuloy na ang pagtulo at pagbuhos ng ulan, may iilan nading umalis sa kanikanilang mga upuan...

ang pinaka last na lumabas ay si Christian Bautista, at nagduet sila ni Sarah G., pero sa kasamaang palad at talagang malakas na ang ulan nun, at yung mga tao sa likod, sa worth 300, at pati sa 1000 eh lumipat na lahat sa 1.5, maduga kung maduga, kasi nakikinig na lamang kami at wala ng makita dahil tinakpan lalo ng mga payong nila...


maulang concert ni Sarah G.

even though na naging maulan sa nasabing venue, masasabi kong succesful padin ang concert, dahil madami paring natira hanggang matapos ang concert, ki-nut na nga nila ang concert dahil kailangan din nilang maging concern sa audience...


2 comments: