Wednesday, August 18, 2010

PASSPORT: Mission Accomplished

kamakailan lamang binago ng Department of Foreign Affairs ang kanilang system para sa mga kukuha ng bago, magpaparenew at magpapagawa ng pasaporte, simula nung binuksan nila ang bago nilang Consular office along Macapagal.

sa bagong sistemang ito, kailangan dapat maging techie ka dahil online appointment ang mangyayari na hindi tulad noon na pupunta kalamang sa DFA (sa may libertad), pipila ng napaka-haba at magaantay, minsan pababalikin ka pa nga daw, pero mabilis naman ang release ng passport nun, daw (?) --- hindi ko sure kasi sa new system ako nagpagawa ng aking pasaporte

sa online appointment o epassport, 1st come-1st served basis, kaya naman kung ngayon ka palang magpapaappointment eh sa October kapa makakapunta ng DFA...

back to the story,

last August 12 ang orihinal na appointment ko nun at pati narin si Junele (klasmeyt ko nung hayskul), nakapunta nga kami at nakapila sa mabilisang pagiikot sa upuan dun sa may waiting area, at nung pagdating namin sa counter kasamaang palad ay pilit pa kaming pinabbalik dahil daw kulang ang mga supporting documents namin, kailngan daw namin ng lumang school id o pati transcript of records, gayun pa man kahit medyo nakadismaya eh, kailngan naming sundin at bumalik nlang w/ a week allowance....

then last tuesday August 17, junele and i went again to the DFA w/ the other requirements needed, according to the note they gave... pumili uli kami ng paikot-ikot, tayo-upo-tayo-upo, hanggang mareach namin ang counter for step 1, inistaple na ang mga requirements together w/ the form, at YES! pasado na kami and up up for step 2, bayad na...

umakyat na kami sa 2nd floor for payment process, at pumila nanaman kami para sa cashier counter... Passport cost Php950 for regular, while Php1200 for rush, but we go for regular, kasi hindi naman kami nagmamadali...

pambayad, resibo, application form w/ attached requirements

ilang saglit lamang sa pila ay may binulong sakin si Nel, kung si Isabel Oli daw ba yung nasa katapat namin? ang pagkakasagot ko naman, ay di ko sure, kasi hindi ko pa naman sya namemeet personally, at medyo malayo na siya nung nakita ko, nasa may bandang dulo na, kaya naman lingon kami ng lingon para malaman nga namin kung siya nga yung tinutukoy namin... at hindi mawala sa aming paningin ang nasabing babae, hanggan makakuha kami ng numero para sa picture taking at biometrics...

habang nasa waiting area para matawag ang aming numero, ay walang kupas padin ang aming paglingon kay Isabel Oli, dahil gusto namin magpapiktyur sa kanya...


habang nag-aantay na tawagin ang aming numero, ilang snapshots muna

nawala narin sa aming paningin si Isabel Oli at feel ko binigyan na siya ng special treatment, dahil hindi na siya makita ng aming mga mata... pero ilang saglit i need to go to the restroom, at 100+ pa naman ang difference before tawagin ang aming mga numero kaya naman napagpasyahan ko ngang lumisan muna at bumaba...

bago ako bumaba ay nakita ko ang mga employees ng nasabing departamento na nagpapakuha ng litrato kay Isabel Oli, at sympre medyo trap ako sa daanan, kasi dun sila nagpapakuha ng litrato, para maging IN nadin, eh nagpakuha nadin ako... :)

me w/ Isabel Oli

pagbalik ko sa 2nd floor uli, hindi pa natatawag ang aming numero, pero ilang saglit lamang ay natawag na, meron akong dalawang numero 2883 at 2884, kaya naman hindi ko alam kung sang counter ako pupunta kasi yung isa nasa loob yung #63, kaya naman sa #24 nalang ako pumunta...

nung nasa booth nako eh napaka casual lang ng aming usapan ni kuya, kwentuhan tungkol sa studies, sabi pa nga niya eh kumuha daw ako ng foreign affairs exam, para maging DFA employee, mas mahirap pa daw sa civil service exam...

guys take note: bawal ang nakangiti na labas ngipin, bawal may hikaw at kung anu-ano sa mukha during the picture taking...

after that ay tapos na ang papers namin, at off to courier nalang para sa address namin for delivery (another note, bring extra Php120 for delivery)

after that umuwi na kami agad ni Junelle, dahil wala nanamang gagawin... aantayin nalamang namin ang aming pasaporte na dadalhin sa harap ng aming mga kabahayan...


No comments:

Post a Comment