hinihintay ko kasi yung mga kaibigan ko na nag-aaral sa may U-Belt, at dito nga ako nag-antay dahil malamig na at madami pang stores na pwedeng pasukan at ikutan, atska first time ko lang din pumasok dito, kaya ninais ko nadin talga. una pumasok ako sa isang school supplies boutique at naghanap ng posibleng bibilhin, tulad na lamang ng notebook, dahil gusto kong magsulat ng mga panahong iyon habang nag-aantay sa kanila.
dahil hindi ko binili yung ninanais kong notebook, dahil Php100 plus, lilibutin ko nalang yung mall para mafamiliarize ako, isa din sa nagpaakit sakin ay yung mga movie posters na nakakalat sa buong mall, both foreign movies, local, and indie films.
so habang nasa 2nd floor ay umakyat ako patungong 3rd floor gamit ang escalator. sa kabilang escalator (pababa) meron isang lalaki na nakatingin sakin, so ang tendency ko is to look back at him also, but he looked at me from head to foot, that gave me a creeps. tinitignan niya ako the whole ride sa escalator. until we reached the floor na patutunguhan namin. medyo curious at takot ako, kaya naman tumingin uli ako pababa, at andun pa sya at nakatingin parin sakin then nodded at me as he was inviting me to go down and to talk to him. but hindi ko siya sinunod, at bakit, diba? nilibot ko nalang ang 3rd floor until i saw an anime shop at dun ako nakapagstay. but after ilang minutes ata i saw him again sa 3rd floor, roving around again.
itong si manong ay naka printed white shirt at jeans lamang na med-built body at matangkad, matangkad pa ata sakin, at feeling ko nasa early 20s to mid-20s pa lamang.
so dahil medyo takot nadin ako nung mga panahong iyon ay nilibot ko nalang ang nasabing floor, at umakyat sa 4th floor dahil feel ko andun yung mga posters ng mga showing movies. at tumpak andun nga, kaya naman pumunta ako dun sa wall at tiningnan ko nga yung mga movie posters like: inception, salt, step-up 3d at lagpas (gay themed indie film). after that i saw something interesting again, mga sample pictures ng painting ni joey velasco sa glass wall ng isang fellowship center sa corner ng mall. sa 4th floor madaming nakatambay dun, may mga food stalls din. pero ninais ko ng bumaba, pero may lumapit saking mama na naka maroon. at kung titingnan natin si manong ay nasa mid-20s to late 20s.
Mama (M): anong oras na?
Ako (A): hindi ko po alam, wala akong relo.
(tamang-tama at hindi ko suot yung relo ko at nasira ang bracelet nung araw ding iyon sa LRT)
(bumaba na ako ng escalator, pero bumaba din siya)
M: may inaantay ka ba?
A: (dahil iba na ang kutob ko, pero gusto kong malaman) WALA!
(habang naglalakad sa 3rd floor)
M: pwede ka ba ngayon? Php100 lang may place na...
A: (pause for a while w/ shocking facial expression)
M: sige na kailangan ko lang, kulang kasi pamasahe pauwi ng Bulacan
A: sige kuya mauna na ako (biglang alis ko at medyo natatakot)
M: (umakyat uli sa taas)
dahil nadin sa takot ko, at wala padin yung mga inaantay ko, eh minabuti ko nalang maglibot para mawala yung kaba ko nung mga panahong iyon. akyat baba ako at nag-ala imbestigador, at nagmatsad sa mga bagay bagay. nung umakyat uli ako sa 4th floor sa kabilang side ng mall, at may nakita akong isang babae na punong puno ng make-up ang mukha na mukhang pokpok kung masabi at may kasama siyang matandang lalaki na parang inaakit niyang magmadaling kumilos.
sa 4th floor, madaming ngang tao dun, pero kung titingnan mo ito pala ay tambayan ng mga matatandang bakla, kung iikot ka sa 4th floor, same group lang din ang makikita mo, at para bang mga old cinemas sa recto, at madami pang iba, at andun padin pala si manong naka maroon at naghahanap ng kukuha ata sa kanya? pero nung nakita ko siya ay tumakbo ako sa dept. store.
nung bumaba naman ako sa 3rd floor ay nakita ko uli sa naka white na paikot-ikot din from ground floor to 3rd floor. at tumambay siya sa steel bar sa gitna ng floor. naalala ko tuloy yung news before o mga investigative journ programs na yung mga pick-up boys ay tumatambay sa mga steel bar nayun at naghahantay na pumick-up sa kanila, at nagmatsad parin ako at nakita ko siyang may nilapitan na lalaki sa kabilang dulo na naka black shirt at naka cap at feeling ko nasa teenage year. at ayon sa nakita ko ay kasamahan niya din pala ito as pick-up boy ata?
buti nalang at nagtext nadin ang mga kasama ko at pinuntahan ko na sila at kinuwento ko nga sa kanila ang pangyayari.
masasabi ko lamang na mula sa pangyayaring ito ay buhay at laganap pa pala ang prostitution mapa lalaki o mapa babae sa mga mall. at nakakatawa din do i look like gay? o dahil mukha lang akong inosente? basta next time baka iba din pala ang pakay nila, at matakot na at mag-ingat.
nakakatakot naman yun! na nakakapanghina. Bakit laganap na yung ganyan ngayon? :(
ReplyDeleteewan ko nga ba, cguro talagang mahirap na sa bansa natin? o dahil hindi nila kayang magbanat ng buto?
ReplyDelete