Saturday, August 28, 2010

i'm not a texter type of person

oo, masasabi kong mahilig akong magtext at contrast ito sa title ng blog ko, mahilig nga ako magtext pero in GM forms lagi, giving informations into mass audience...

actually madami ngang nakakapuno na kapag may katext ako, minsan nawawala ako, o kaya naman mabagal akong magreply, sa totoo lang madami naman talagang dahilan kung bakit ako ganito:

  1. nagtetext lamang ako kapag importante lang, kung may mga events, training, seminars, at kung anu-ano pang importante...
  2. nawawala ako sa pagtetext kung lagi akong nagmamadali ako sa mga gawain, wala na kasing oras kung magtetext, kung nagmamadali nga talaga ako, depende nalang kung importante
  3. laging walang signal dito sa bahay kaya naman lagi late makareceive o makapagreply
  4. laging naka-silent ang phone ko, iritable ako kapag may message alert tone at vibration
  5. kapag nasa byahe o nasan mang lugar, lagi lang nasa bulsa ang cellphone ko, depende nalang kung may katext ako
  6. hindi lahat ng oras hawak ko cellphone ko, naiiwan ko kasi lagi ito sa mga workplaces ko
  7. public ang phone ko, madaming nakikitext at tawag sakin (lagi kasing unli...)
  8. kapag may ginagawa akong iba, nawawala na sa sarili kung may katext man ako...
  9. mabagal akong magtext, kaya naman kung nagmamadali, no chance na talagang makapagreply
  10. ang hirap din kasi kung may kausap ka personally, tapos may katext ka, db nakakabastos naman iyon?
kaya naman po pagpasensyahan niyo na ako kung ganun man ang nangyayari sakin. hindi din naman ako addict magtetext, at pinaka-ayaw ko lang din kapag sinabi mong nagmamadali kana sa isang bagay, may magagalit pa sa'yo bakit hindi ka nakakapag text...

kung di man ako magreply agad, ehdi tawagan niyo ako, o kaya tatawagan ko kayo, lalo naman kung importante, tawag lang....

No comments:

Post a Comment