late nakong bumangon nitong araw na ito, dahil hapon pa naman ang interview kaya naman tustos akong manuod ng Showtime habang kumakain ng brunch ko. hinandaan ako ni Ate Jo ng Chicken Hotdog (yung ulam nung breakfast) at SINIGANG NA HIPON. dahil iisang piraso nalamang ang hotdog at 4pcs na sugpo ang nilagay, sarap na sarap ako at naubos ko ang lahat.
mga 12:30pm na and i need to go dahil QC pa iyon at kinda malayo, andito narin sa bahay sila mommy and daddy, after i received my allowance that time daretso nakong bumyahe until i reached quezon ave. ng almost 3pm.
pagkapasok ko sa printing house, andun lamang ako pinag-antay sa receiving area sa tabi ng guard na wala lamang electric fan o aircon w/c super init talaga at naka corporate attire pa ako nun, kaya naman bumubuhos na ang pawis ko at hindi lamang butil-butil. nakaramdam nadin ako ng init sa mukha at tenga.
around 3:40pm natapos yung interview at medyo namumula nadin ang mukha ko, kaya naman pagdating ko sa may mrt station --- bumili ako ng cold drink at baka sa init lamang at super init sa printing company.
papunta akong ayala, para puntahan yung isa ko pang pending application, nasa mrt na ako at super init at pula ng mukha ko. tumapat na nga ako sa may aircon at kaya naman pagbaba ko ng ayala ay bumili na'ko ng pulbos at naghilamos sa 2 cr sa SM Makati at Glorietta at talagang ayaw mawala ng mainit sa mukha at bumili na ako nun ng FRO-YO (frozen yoghurt) para to cool me down, pero di effective. DAMN! so i need to rush na at umuwi para magpacheck-up... hindi nadin tumuloy sa isa pang appointment...
litrato habang naglalakad sa SM Makati (look at the red marks)
nasa bus na papuntang MOA (look at my lips, parang nguso ng pig...)
sa MOA ako sumakay ng van, at uminom nadin ng CLARITIN to be sure at kumalat na ang rashes ko sa dibdib at super init talaga. nakakatakot at baka isiping may tigdas ako. i already told my mom na ipacheck-up ako o pupunta na lamang akong hospital na malapit.
at ngayon lang nadiscover ang allergy ko sa SUGPO at before naman ay wala
waaaa. you really have to diet. yan lang naman nagtritrigger niyan e. mga taong kilala kong may allergy sa ganyan ay fatty :(
ReplyDeletehala hindi naman po, kasi even my cousin, allergy din dun... siguro nagkataon lang po... :)
ReplyDeletealam ko na! sabi nung officemate kong nurse, ang mga food na rich in iodine, prone talaga sa allergic reaction! :O
ReplyDeletekorak! so that means lahat ng lamang dagat ay mataas ang iodine content, pati mga noodles, kaya naman mag-ingat na lamang tayo...
ReplyDelete