talaga nararamdaman ko na nagkukulang sa impormasyon ang mga tao kung gaganapin nga ba talaga ang darating na eleksyon ngayong oktubre, kasi halatang ang lahat ay nagaadjust pa sa mga bagong opisyales na naka-upo at nagseserbisyo, at halos laman ng balita ay tungkol sa bagong admin at mga ginagawa nito…
kung mapapansin may natitira na lamang na 104 days (ayon sa counter sa comelec website —- www.comelec.gov.ph) bago sumapit ang barangay eleksyon sa october 25, 2010, at kasalukuyan na nagaganap ang rehistro para sa SK at Barangay elections simula pa noong July 1 hanggang July 31, 2010…
naglabas nadin ng resolution ang comelec kung paano hahatiin o iclacluster ang nasabing synchronized elections (ayon sa comelec website)… madami din kasing tumututol na ituloy, pero may mga bangayan din na ituloy, pero ako talaga aminado akong huwag na muna ituloy, bagong adjustment nanaman yan sa mga bagong opisyales eh, at pera na dapat for development projects, dahil malaki nadin ang nagastos ng ating bansa sa naganap na May 10, 2010 elections, pero manual ang gagamitin sa gaganaping eleksyon sa oktubre…
pero ano ba talaga, nagkakaroon ba ng agenda setting theory ang mga media… haist, pero sa congreso kaya ano na ang bangayan ukol sa topik na ito?
No comments:
Post a Comment