Thursday, October 21, 2010

items made in china

wowzers, earlier nagpunta kami ng enterprise tower ng mga ka-officemates, dahil may hinahanap lang akong company dun, well dahil open naman ang nasabing building, kahit sino pwedeng pumasok dun, para na nga itong mini mall, hehehe

umabot kami sa 4/f ng bldg, kung san nandun yung parang cafeteria or food court dun, at sa dulo ng nasabing floor ay maroong bazaar…

at dahil dun nag-gaga na yung 2 officemates ko, syempre bazaar yun, and almost all of the items, i mean all of the items are for girls (lagi naman ganun sa bazaar, lague kaming mga lalaki luge, esp for my size)

at syempre ako naman ay hindi din matiis mag-ikot, at ayun napadpad ako sa mundo ng techie w/c is 1 stall lang naman po dun, at talagang nag-iisa po talaga siya

actually ang una mong makikita dun ay yung parang IPAD… huwaw! IPAD pero parang iba? yun pala tablet lang siya na walang name… kasing size niya ang IPAD, pwede nading i-plug ng mouse, at kung anu2x pa plus my stylus pa siya… around 8.2k lamang ito…

yung katabi naman nito ay parang laruang laptop, at kung kakapain mo, laptop talaga, take note may browser na, may os pa na windows ce, pwedeng lan o wi-fi, at sa package may kasama ng usb, light, at case, at ang gaan-gaan pa niya, at talagang kung unang titingnan mo siya hindi ka magtatakang laptop at nagkakahalagang 5.5k lamang? sa ganung halaga may laptop kana, at hindi ka pa iiyak kung mawala or what? dahil hindi naman nanakawin sa iyo…

gusto ko sanang bilhin itong mga ito, ngunit hindi ko din sigurado ang quality, pero ang pinakagusto ko yung laptop, dahil parang laruan lang talaga, at kahit san pwede mo ng dalhin, at hindi takaw mata sa magnanakaw, kahit san mo ibalandra pwede…

btw hanggang bukas nalang yung bazaar dun sa enterprise bldg, pero i have their contact details

No comments:

Post a Comment