Saturday, November 27, 2010

PARANGALAY

this will be my last project as a SK Chairman of our barangay, a recognition night and farewell party.

Thursday, November 25, 2010

sarhan ka man ng pinto at may magbubukas padin

kaninang mga around 6:30pm sa kahabaan ng EDSA sa baba ng mrt-ayala, rush hour kung maituturing ang tagpo at mga kaganapang mga pangyayari.

sa kaalaman po ng lahat na ang sakayan po ng bus papuntang pacita, alabang, moa, at somewhere south ay sa ilalim ng nasabing mrt station kung saan may mga stop lights at parang maliliit na eskinita or pathway para sa mga bus dun, kung saan pwedeng sumakay ang madlang pipol.

ang eksena kanina:

alam natin na sa ganitong oras ay rush hour talaga, pero sa aking mga naranasan noon sa pagsakay ko ng mga bus dito sa kaparehong oras, ngunit kanina makikita mong wala atang masyadong bus na dumadaan papuntang coastal, moa at baclaran sa lane nito. kung ika’y maglalakad patungo sa nasabing lane makikita mong napakahaba ng pila ng mga tao dito, hindi ko alam kung ito ba yung pila ng solid star (bus pauwing dasma) o sadya lang madami ng taong pauwi sa south area.

kaya naman nilakad ko ang kahabaan ng nasabing lane at binaybay hanggang dulo, naglakad na nga ako sa hindi tamang daanan, yung lane talaga na pang bus at hindi pathway ng mga tao, pero ok lang naman kasi wala namang dumadaan na bus.

habang nakaabot ako sa dulo, makikita mong may makapal na tumpok ng mga tao dun na nag-aabang ng mga bus, mga bus na patungong moa, baclaran at coastal, ngunit sa mga panahong ito, iilan lang ang dumadaan, yung iba sa express lane na dumadaan dahil puno na sila ng mga pasahero.

ilang saglit lang at dumadami na ang mga tao sa lugar na ito, mapa estudyante, mga emplayado sa iba’t ibang kumpanya, yung iba pang gobyerno, yung iba pang korporasyon, basta sa makati, makikita mo ang mga iyan.

sa sobrang dami na ng taong nagaabang, kailangan mo ng sumabay sa karera para makasama kadin ng bus, kaya naman ang ating bida ay naglakad palayo hanggang makapunta na sa ayala ave. at doon na nag-abang ng bus, kasama ang ilang din mga nag-aabang ng bus, at madami ang kakompetensya nadin sa larong ito.

ilang minuto lang ay may dumaan na bus, kitang kita mo kung paano magtulakan ang mga tao para lamang makasakay ng bus, nagagalit na nga yung konduktor, dahil punong puno na ang bus, umaandar na ito, at madami pading pilit na sumiksik dito, para na ngang naging ordinary bus iyon na nakabukas pa ang pinto.

nagtagal din kami kakaantay ng bagong bus na darating, at salamat at may dumating na isa, isa ako sa mapalad na nasa unahan at nakikipaggitgitan, ngunit nung nasa may pintuan na ako ng nasabing bus, nahulog ang aking towel sa lapag, at naku kailangan kong pulutin yun dahil hindi ako makakaalis w/o it, at hindi ko naman kailangang magbuwis buhay para lamang makasakay ng bus, at ilang saglit lang ay sinaraduhan na ako ng pinto, kahit tangka padin akong sasakay, nakakalungkot mang isipin dahil sa nais mo ng makasakay eh may mga hahadlang padin.

at kailangan ko uli bumalik sa pwesto ko, at mga ilang milimeters lang ang pagitan ko sa mga bus na dumadaan, at ang bus nadin ang umiiwas sa mga taong nag-aabang doon, at parang stay lang sila dun, hanggang makipagkarerahan uli.

ilang beses ng pumipito ang gwardya sa pangyayari dahil nagcacause nga naman ito ng trafik.

3 bus ang dumating yung unang bus ay may karera na ng mga pasahero kaya naman ay hindi ako nakisali dahil baka tumalsik sila sa laki ko ba namang ito, matakot sila :]

kaya naman siniksik ko ang sarili ko sa gitna ng mga bus na dumadaan at naglakad patungo sa bus na nasa dulo, salamat at binigyan padin ako ng 20-20 vision dahil mula sa kinatatayuan ko ay nakita kong pa moa ang nasabing bus.

sa aking paglalakad patungo sa bus ay walang sumusunod sa akin at parang hindi nila nakita ang bus sa dulo.

pinara ko ito, at pinagbuksan nga ako ng pintuan ng bus, wala akong kasabay, wala akong kaagaw, at walang mga kakompetensya, swabeng pagpasok at pag-akyat, laking ginhawa dahil hindi ako nasaktan di tulad ng iba.

tulad nga sa pag-ibig, sarhan ka man ng pintuan kung baga may bintana pading magbubukas, tiwala at pasensya lamang ang kailangan.

Friday, November 12, 2010

are you ready for THE SWEETER ESCAPE?


are you ready for THE SWEETER ESCAPE?

DiabetEASE magazine is celebrating its 5th year anniversary and we are inviting you to witness and be part of this fun and exciting event for the whole family.

The Sweeter Escape. Its sequel to the Sweet Escape event held on October of last year.

  • when: November 16-17, 2010
  • where: Market! Market! Activity Center

get ready for more fun-filled and healthy activities. enjoy all these and relax at our sugar-free cafe and mini book lounge.

for inquiries and RSVP: Louise (0917-7342666); Rina (0917-5098496)

Escaping the Limits of Diabetes! [see you there]